Tamagotchi noon: Naalala nyo pa ba nung bata tayo nagmakaawa tayo sa magulang natin para bilhan tayo ng tamagotchi? Tapos pagka bili satin ng tamagotchi syempre tuwang tuwa tayo diba, bukas agad ng box tapos hahatakin mo yung plastic na nasa gilid para mag on sya for the first time tapos may tutunog, tuwang tuwa naman tayo non habang ipinapakita sa nanay natin,”uy mommy tignan mo o eto yung pet dinosaur ko” so ayon na bibigyan mo na siya ng pangalan, magiisip ka ng napaka tagal kasi gusto mo super ganda ng name ng tamagotchi mo, ipapangalan mo pa sya sa mga anime characters, sila goku, vegeta, Eugene, Vincent. Diba? Yun yung mga ok na pangalan dati e. so ayon na nga may pangalan na sila.
Next nyan sympre pagka bili nyo dederecho kayo sa kainan, gutom na kayong lahat e, kasi matigas ulo natin, gusto natin bumili muna ng tamagotchi bago kumain. Excited tayo e, maasar sayo magulang mo kasi pindot ka ng pindot at ayaw mo kumain, sisigawan ka tapos dedepensa ka, “e mommy kasi pag diko sya inalagaan mamamatay sya” at dito nag sisimula ang pagka baliw mo sa tamagotchi mo.
Kahit saan ka pumunta dala mo siya, kahit mapa school, bahay, mall. Kahit anong ginagawa mo ititigil mo pag nag ring sya at may kailangan, gigising ka ng madaling araw, mag mamay I go out ka sa teacher mo, hanggang sa simbahan di pa papa awat. Pag sila nanganganak or lumaki unti unti kang napapa ngiti at iapagpatuloy ang pag pipindot mo sa tamagotchi mo. Tuloy tuloy lang ang, hanggang mamatay sya
Pag namatay sya mag iiiyak ka at lalapit sa nanay mo, pihikan kumain at parang walang buhay, halos ata lahat tayo dumaan dito.
Pero siguro natatawa ka sa sarili mo dati, napaka babaw mo, at itatanong mo sa sarili mo, bat ko iniiyakan e di naman tlga buhay???, inaalagaan mo, pinag aaksayahan mo ng oras mo. Malamang tingin mo di ka na ganon ka tanga at tumanda ka na.. diba? Pero sige tuloy mo lang pagbabasa mo
tamagotchi ngayon:
Pag ikaw sinagot na ng nililigawan mo or sinagot mo na ang manliligaw mo, syempre tuwang tuwa ka diba lagi mo na ka usap ka text, ka ym, ka friendster, ka facebook, ka multiply, kasama, ka picture.. lahat nlang kasali sila. Pati simbahan dimo pinapatawad, sige text ka parin ng text, hanggang sa kainan, sige pindot ka parin. Sabay biglang pa unti unti nag ssmile habang katext. Hindi pa umabot sa unang verse yung kanta sa ringtone mo nasagot mo na agad yung tawag, napaka bilis mo kumilos basta nagtext sila, kahit anong ginagawa mo tinitigil mo basta para nagtext sila.. hindi ba parang pamilyar yung mga pangyayari?
Eto naman pag dimo nireplyan, magagalit sila, kaya kailangan palaging anjan ka katabi ng telepono mo, lagi mo pa silang papaalalahanan na kumain na, matulog na, pumasok na, maligo na. lahat nalang ng kailangan nila binibigay mo. Tuloy tuloy lang yang ganyan, hanggang mag break kayo..
Pag nag break kayo iiyak iyak ka, di maka kain, ayaw pumasok, ayaw makipag usap sa tao. Diba? Kaya isipin mo ulit kung akala mong tumanda ka na at di ka na ganon ka tanga. Tanong mo sa sarili mo, Bat mo iniiyakan, e hindi naman patay???